Saturday, November 20, 2010

Manny Pac quiao Back to Phil

Sakay ng PAL PR 103, lalapag nga yong uma ga sa Centen nial Terminal n g Ninoy Aqui no Interna tional Airport a n g tinaguriang `Boxing Immortal' na si Congressman Manny Pac quiao mula sa Los An geles, California. Kasamang dara ting ni Pacquiao ang asawang si Jinkee at ilan pa sa Team Pacquiao at mga kaibigan.Nauna nang dumating sa bansa ang ina nitong si Aling Dionisia kahapon.
Magbabalik ang Pambansang Ka mao mula sa isa na namang matagumpay na paghablot ng titulo ang kanyang ikawalong world title nang bugbugin ang mas malaking si Antonio Margarito ng Mexico, sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas noong nakaraang Linggo.
Wagi ang kongresista mula sa Sa rangani Province sa pamamagitan ng unanimous decision at isinuot ang World Boxing Council (WBC) superwelter weight crown.
Bago umuwi si Pacquiao, dalawang concert muna ang tinupad nito isa sa Lake Tahoe sa Ne vada at Vallejo, Ca.
kung saan dinumog pareho ng mga fans, lalo na ng mga Pinoy na naninirahan doon. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nakalinya na rin ang mga aktibidad ni Pacquiao, tulad ng 11 a.m. courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang, pati na ang show sa MOA mamayang hapon.
Ilang buwang magpapahinga sa boksing si Pacquiao upang harapin ang mga naiwang trabaho sa Kongreso. Habang pinagiisipan naman ng promoter niyang si Bob Arum ng Top Rank ang susunod nitong makakasagupa. Samantala, kung si Aling Dionisia ang masusunod, ayaw na niyang payagang lumaban muli ang anak.
Mas gusto aniyang makitang nasa Kongreso ang anak, o `di kaya naman ay inaasikaso ang mga negosyo.
"Marami naman silang negosyo ni Jinkee, yon na lang pagtuunan niya ng pansin, wag na ang boksing," pahayag ni Aling Dionisia.
Ayon kay Aling Dionisia, kung lalaban pa uli ang anak, hindi na umano siya sasama at mananatili na lamang sa Pilipinas at ipagdarasal na lang ang kaligtasan ni Manny.


No comments:

Post a Comment